Danish national, ka-live-in pinagbabaril

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga suspek ang isang 53-an­yos na Danish national at live-in partner nito kamakalawa sa Brgy. San Teodoro, Bunawan, Agusan del Sur.

Hindi na umabot ng buhay sa Bunawan District Hospital  ang  Danish national na si Egon Jansoe, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Habang nasa kritikal na kondisyon sa Davao Regional Hospital ang live-in partner nitong Pinay na si Marivic Plaza.

Batay sa ulat, bandang alas-11:30 ng tanghali ay magkatulong na naglalaba ang dalawa sa kanilang bahay  sa Purok 6 A, Brgy. San Teodoro, Bunawan, Agusan del Sur nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang maglive-in partner.

Nang masigurong napuruhan ang target na dayuhan ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Show comments