^

Police Metro

‘Mga bagong bayani’ dumating sa bansa

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinuturing ng pamahalaan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na mga bagong bayani dahil sa kanilang malaking tulong sa ekonomiya ng bansa.

Kaya naman sa pagdating nila noong Huwebes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, Pasay City ay mainit silang sinalubong nina Pangulong Noynoy Aquino III at Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rosano “Ruffy” Biazon.

Ang mga OFWs na itinuturing na mga bagong bayani ay binigyan ng halaga nina Aquino at Biazon dahil malaki ang kanilang naging papel at naiambag upang umangat at lumakas  ang ekonomiya ng Pilipinas na taunang umuuwi upang dito nila ipagdiwang ang Kapaskuhan.

Malaki ang nagiging tulong ng mga  OFWs  na dumarating sa bansa dahil sila ang nagpapasok ng mga dolyares na kung saan sa tuwing buwan ng Disyembre ay tumaas ang pagpasok ng dolyar.

Bukod kina Aquino at Biazon kasama din sa mga sumalubong ang ilang government officials na namigay ng mga gift pack para  sa mga dumating na OFWs.

 

AQUINO

BIAZON

BUKOD

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER ROSANO

DISYEMBRE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with