Firecracker zone ipatutupad sa Caloocan
MANILA, Philippines - Upang makaiwas sa anumang aksidente sa pagsalubong sa Bagong Taon ay mahigpit na ipatutupad ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang “firecracker zone” sa bawat barangay sa buong lungsod.
Ayon kay Echiverri, ang paraang ito ang naisip ng lokal na pamahalaan upang makaiwas sa anumang posibleng aksidente ang mga residente sa pagsalubong ng mga ito sa pagdating ng taong 2013.
Sa pamamagitan ng “firecracker zone”, magtatakda ang lokal na pamahalaan ng mga lugar sa bawat barangay kung saan maaari lamang magpaputok ang mga residente upang maiwasan ang maka-aksidente habang nagpapaputok.
Ang sinumang mahuhuli ay nakatakdang parusahan base na rin sa nakasaad sa batas kaya’t pinayuhan ni Echiverri ang mga residente na sumunod na lamang sa kautusan upang hindi na maperwisyo.
- Latest