3 katao niratrat, Patay

MANILA, Philippines - Napatay sa ambush ang tatlong katao nang sila ay pagbabarilin habang sakay ng kanilang sasak­yan sa kahabaan ng Quirino High­way, Brgy. Sta. Mo­nica, Tag­kawayan, Quezon ka­ha­pon ng umaga.

Ang mga nasawi ay ki­nilalang sina Jamela Cus­­todio ng Muntinlupa City; Melvin Marquez ng Candelaria, Quezon at Jasmine Pablo ng Sta. Rosa, Laguna.

Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng umaga ay sakay ng kanilang sasak­yan ang mga biktima nang bigla na la­mang silang paulanan ng bala ng mga kalalakihan pagsapit sa nasabing lugar.

 Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa motibo ng pamamaslang sa mga biktima.

Show comments