Mall midnight sale pinasusumite… traffic sa MM reresolbahin ng MMDA

MANILA, Philippines - Dahil sa layuning  ma­resolba ang matinding trapik sa Metro Maynila ngayong Kapaskuhan, kaya pinasusumite  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga shopping mall operator ng mall schedules  ng kanilang midnight sale o mall hours extension.       

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, ngayong buwan ng Kapaskuhan ay dagsa ang mga shopper sa mga mall  kung kaya’t nakakaranas ng matinding trapik sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila tulad ng kahabaan ng EDSA.

Aniya, kailangan ipa­alam sa kanila ng mga may-ari ng mga mall ang mall schedules nito upang maipakalat ang impormas­yon at makapaghanda ang mga traffic enforcers lalo’t skeletal force o konti na lang ang naka-duty na traffic enforcers pagsapit ng gabi.

Inoobliga rin ng MMDA ang mga mall guard na isa­ilalim sila sa traffic trai­ning upang makatulong sa pagresolba ng trapik.

Ayon pa kay Tolentino, agad nilang iaanunsyo ang mall schedule sa oras na makapagsumite sa kanila ang mga malls operator para maging gabay sa mga motorista at hindi mangunsumi sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga lasangan.

 

 

Show comments