^

Police Metro

‘Raket’ sa BOC Subic, ibinuking

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinuking ng ilang importer ang umano’y raket ng ilang tiwaling empleyado ng BOC-Subic na nanghingi ng malaking kontribusyon para sa isang magarbong Christmas Party na taliwas sa panawagan ng Pangulong Nonoy Aquino at Customs Commissioner Ruffy Biazon na gawing simple ang pagdaraos ng party dahil sa nagdaang kalamidad sa Mindanao. Ayon sa ilang importer sa pangunguna ni Bert dela Cruz, nanghihingi umano ang ilan sa opisyal ng  BOC-Subic ng P100,000 bilang kontribusyon sa Christmas Party.

Isa umanong alyas “Ong” ang lider ng grupo na nakatalaga sa Revenue Collection Monitoring Group (RCMG), isang alyas “Die­go” at alyas “Julius” na na­ka-assign sa BOC-Subic ang humihingi umano ng kota na P100,000 bawat importer.

Inakusahan din ng mga importer ang RCMG na sa halip manghuli ng mga ismagler ay nanghihingi ng P6,000 sa bawat truck unit at P15,000 hanggang 60,000 sa bawat heavy equipment na kapag hindi nagbigay ay inaalerto ang mga kargamento kahit nagbabayad ng wastong buwis.

Hinihiling ng mga im­porter kay Comm. Bia­zon na imbestigahan ang ka­nilang reklamo.

vuukle comment

AYON

BERT

BIA

CHRISTMAS PARTY

CRUZ

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

HINIHILING

PANGULONG NONOY AQUINO

REVENUE COLLECTION MONITORING GROUP

SUBIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with