MANILA, Philippines - Ibinalot sa carpet at itinapon sa tubuhan ang bangkay ng isang pulis na dalawang linggo ng hinahanap ng kanyang pamilya ang natagpuan kamakalawa ng hapon sa Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ang pulis na si PO1 Jay Descartin Delos Santos, 32-anyos binata na nakatalaga sa GMA Police Station at residente ng Blk. 29, Lot 15, Berne Corner, Washinngton St., Summerwind Ville 4, Brgy. Burol Maina ng lungsod.
Nabatid mula kay Supt Ulysses Gasmen Cruz, hepe ng pulisya, ganap na alas-2:10 ng hapon ng matagpuan sa isang tubuhan ang bangkay ng biktima sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City. Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na pinahirapan muna ang biktima bago tuluyang pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin na siyang subject ng ginagawa ngayon malalimang imbestigasyon.