Mga puslit na agricultural products mula China nasabat

MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit P7 milyong piso halaga ng mga puslit na agricultural products mula China tulad ng mga gulay, patatas, carrots ang nasabat ng mga tauhan ni  Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rosano “Ruffy” Biazon sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila kahapon.

Ayon kay Biazon ang  nasabing mga illegal  na agricultural products ay naka-consignee sa Marbatan Enterprises at Green Meadow Enterprises.

Nabatid na ang kontrabando mula sa bansang China ay dumating  sa MICP noong Nobyembre  14, 2012, na unang idineklara na mga kagamitan sa kusina at nakalagay sa  tatlong  40-footer container van.

Nang inspeksiyunin ng mga tauhan ni Biazon ang naturang kargamento ay hindi mga kagamitan sa kusina, kundi naglalaman ng mga nasabing agricultural products kaya’t agad na ito ay kinum­piska na kung saan ay posi­bleng  maharap sa kasong anti-smuggling ang nasabing consignee.

 

Show comments