Obrero nahulog sa bubong, dedbol
MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang 23-anyos na obrero matapos na mabagok ang ulo nito nang mahulog sa bubungan na may 8 talampakan ang taas habang nagkukumpuni kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ang nasawi ay kinilalang si John Paul Sese, 23, stay-in sa construction site na matatagpuan malapit sa GMA 7, partikular sa South Avenue, Brgy. Sacred Heart.
Batay sa ulat, bago naganap ang aksidente pasado alas-9:35 ng umaga ay inaayos ng biktima at ibang mga kasama ang kanilang barracks sa bubungan bilang pahingahan sa sandaling simulan na ang pagtatayo ng istraktura sa nasabing lugar.
Habang inaayos ay biglang bumigay ang tinutuntungan nito dahilan para mawalan ng balanse at mahulog ang biktima na una ang ulo na bumagsak sa ibaba.
Agad itinakbo ang biktima ng mga kasamahan sa East Avenue Medical Center, subalit namatay din ito habang ginagamot.
- Latest