^

Police Metro

Nagbaril sa barangay hall… tserman tinapos ang sarili

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa mismong opisina ng barangay hall winakasan ng isang chairman ang buhay matapos itong magbaril sa sentido kahapon ng umaga sa Brgy. Liboton, Naga City, Camarines Sur.

Ang biktima ay nakila­lang si Brgy. Chairman Alex Nero, 45-anyos, pangulo ng Association of Brgy. Chairman (ABC) President at residente ng Manga St., ng nasabing barangay.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, bandang alas-6:30 ng umaga  nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa likuran ng mesa sa upisina nito na may hawak pang cal. 45 pistol sa kaniyang kanang kamay.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) team, ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang kanang sentido na siya nitong ikinasawi.

Bago ang insidente ay ilang araw na umanong wa­lang kibo na tila may malalim na iniisip ang biktima.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal . 45 pistol at ang suicide note ng biktima sa ilalim ng drawer ng mesa nito na nagsasaad ng nais na niyang wakasan ang kaniyang buhay.

vuukle comment

ASSOCIATION OF BRGY

AYON

BRGY

CAMARINES SUR

CHAIRMAN ALEX NERO

LIBOTON

MANGA ST.

NAGA CITY

POLICE REGIONAL OFFICE

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with