MANILA, Philippines - Nagbaba ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang mga retailers na miyembro ng Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) at ilan pang kumpanya ng LPG.
Dakong alas-12:01 ngayong Sabado ng inumpisahang ipinatupad ng LPGMA at ng Liquigaz Corporation ang rollback ng P1.50 kada kilo ng cooking gas o katumbas na P16.50 kada 11-kilong tangke.
Mabibili na lamang ngayon ang cooking gas ng P640-P670 kada 11-kilong tangke. Ang paggalaw umano ng presyo ay dulot ng ibinaba rin ng LPG sa internasyunal na merkado.