2 lalaki na tadtad ng tattoo sinalvage sa QC

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na tadtad ng tattoo ang mga katawan ang pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan na nakalagay sa itim na garbage bag sa loob ng University of the Philippines-Diliman, Quezon City.

Inilarawan ng mga oto­ridad ang isa na nasa pagitan ng edad 45-50; may taas na 5’3”, may tattoo sa kanang balikat na “Jojo Austria” at “Commando” sa likuran, may imahe ng babae at “Sigue-sigue” sa kanang hita na nakasuot ng kulay dilaw na shirt at asul na maong short pants.

Ang ikalawa ay naka­suot ng brown shirt at kulay asul na checkered short pants, may taas na 5’1”, nasa pagitan ng 45-50 ang edad, may tattoo ng “Monching Love Maurine” sa kanang balikat, “Rey Mary” sa kaliwang balikat, “Totoy”sa likurang katawan at “Sputnik” sa kanang hita.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang ma­­kita ng isang Jerson De  Gamo ang nakabalandrang garbage bag sa loob ng UP Campus, partikular sa Pook Arberetum.

Nang tingnan ang laman ay bumulaga sa kanya ang duguang mga biktima na nababalutan ng packaging tape ang katawan at may bakas ng pananakal sa leeg  kaya’t ipinagbigay niya ito sa barangay na siya namang tumawag sa pulisya.

 

 

Show comments