^

Police Metro

Oil firms nagtaas uli

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtaas uli ng presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis kahapon ng umaga upang salaminin ang galaw ng presyo nito sa internasyunal na merkado.

Sa advisory ng Seaoil at Phoenix Petroleum, dakong alas-6:00 ng umaga nang magtaas sila ng P.70 kada litro sa diesel, P.60 kada litro sa premium at unleaded gasoline at P.50 kada litro ng kerosene.

Sumabay rin dito ang Petron at Total Philippines na nagpatupad rin ng kahalintulad na halaga ng pagtataas sa parehong mga produkto. 

Nagtaas naman ang Pilipinas Shell ng P.70 sa diesel, P.60 sa unleaded gasoline at P.50 sa kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng kanilang premium gasoline.

Noong Nobyembre 20, unang nagpatupad ng dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis.

GASOLINE

NAGTAAS

NOONG NOBYEMBRE

PETRON

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

PRESYO

SEAOIL

SUMABAY

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with