1 patay, 17 sugatan sa Maguindanao blast

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi habang 17 ang nasugatan sa dalawang magkakasunod na pagsabog ng bomba sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan at Datu Unsay, Maguindanao kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, ang unang pag­sabog ay naganap bandang alas-8:15 ng umaga sa kahabaan ng highway ng Brgy. Lower Salvo, Datu Saudi Ampatuan.

Ang sumabog na bomba ay gawa sa 81 MM mortar na ginamitan ng cellphone bilang triggering device na ikinasawi ng isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Federation Freedom (BIFF) na si Kagi Haron habang bumabagtas ang grupo sa kahabaan ng highway sa may NIA canal habang patungo ang mga ito sa Brgy. Iginampong sa bayan ng Shariff Aguak upang dumalo sana sa Kanduli thanksgiving, isang Muslim religious ceremony.

Ang ikalawang pagsabog ay naganap sa pagitan ng 10-20 minuto sa Brgy. Iginampong, Datu Unsay ng nasabi ring lalawigan ang bomba ay gawa sa 81 MM mortar.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kasong ito upang matukoy at maaresto ang mga nasa likod ng pagpapa­sabog.

Show comments