Most wanted sa Maynila, huli

MANILA, Philippines - Huli habang namamasada ng pedicab  ang isang 52- anyos na mister na sinasabing  number 3 most wanted sa Maynila ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Manila based.

Nakakulong  ngayon sa CIDG detention cell ang suspek  na si Danilo Borromeo, may-asawa, residente  ng  #14 Quezon St., Tondo, Maynila.

Si Danilo ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosalyn Mislos-Loja ng RTC Branch 41 kaugnay sa pagpatay sa kanyang kapatid na  si Bernardo Borromeo  noong Oktubre  17, 2012.

Sa report ni Chief Insp Carlo Manuel, hepe   ng Manila -CIDG, dakong alas-12:30  ng hapon nang arestuhin si Danilo habang nagmamaneho ng pedicab sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas  habang namamasada ito sa kanyang pedicab sa kanto ng Carmen Planas at Lakandula Sts., sa Tondo.

Matapos umanong barilin at mapatay ng suspek ang biktima ay nagtago na ito subalit makalipas ang ilang buwan ay lumutang ito at muling namasada ng kanyang pedicab hanggang sa may nagnguso sa kaniya sa awtoridad.

 

Show comments