Bangkay ng lalaki palutang-lutang sa ilog Pasig
MANILA, Philippines - Natagpuang palutang-lutang sa ilog Pasig ang bangkay ng isang lalaki kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.
Ang biktima ay inilarawan na nasa edad 25-35, may taas na 5’2” hanggang 5’3”, katamtaman ang katawan, mahaba ang buhok, nakasuot ng puting t-shirt at pantalon na maong.
Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang matagpuang nakalutang ang biktima sa ilog Pasig na nasasakupan ng Muelle dela Indusria sa Binondo, Maynila ng isang namamangka na patungo sa Manila Bay.
Walang nakitang bakas na sugat o pinahirapan sa katawan nito at hinihinala ng pulisya na posibleng pagkalunod ang dahilan ng pagkasawi nito.
- Latest