MANILA, Philippines - Dinismis sa serbisyo ang 3 pulis matapos na mapatunayang positibo sa paggamit ng illegal na droga sa Zamboanga del Norte.
Hindi muna pinangalanan ang mga nasibak na pulis dahilan ‘confidential’ umano ang isyu sa droga na posibleng ikabulilyaso ng operasyon ng pulisya laban sa mga sindikatong nasa likod.
Ang tatlong pulis na nadismis sa serbisyo ay pawang miyembro ng Siocon Municipal Police Station (MPS) na nakabase sa Zamboanga del Norte.
Ang pagkakadiskubre ng paggamit ng illegal na droga ng nasabing mga pulis ay matapos siyang makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagtutulak umano at paggamit ng shabu ng mga pulis sa nasabing bayan.
Kasabay nito sinibak na rin ang hepe ng Siocon na kinilalang si Sr. Inspector Khisna Asaali dahilan sa command responsibility sa kabiguang aksiyunan ang kaso at iniutos rin ang pagsailalim ng 45 pang police personnel ng nasabing himpilan sa back to basic retraining course.