^

Police Metro

Call center agent na holdaper timbog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga oto­ridad ang isang lalaking call center agent na ang sideline ay pagiging hol­da­per matapos holdapin ang isang taxi driver, ka­makalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ang nadakip na sus­pek ay kinilalang si Carlo G. Santos, 25-anyos, bi­­nata, at residente ng South Switzerlad Street, BLS, Brgy. Don Bosco, Para­ña­que. Habang nakatakas nang hindi pa nakikilalang lalaking kasama.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang parahin ng dalawang suspek ang biktimang si Eddie Preagola, 43, taxi driver, ng West Fairview, Quezon City, sa may Gil Puyat Avenue, Makati City at nagpahatid sa may Valley 1, Parañaque.

Pagdating sa may Do­minic Savio St., Brgy. Don Bosco ay nag­la­bas ng baril ang mga sus­pek at nagdeklara ng holdap at tinangay ang P2,000 kinita ng bik­­tima at maging ang cellular phone nito bago puwersahang pinababa ng kanyang taksi at tu­ma­kas gamit ang sasak­yan.

Agad na iniulat ng bik­tima sa Don Bosco Police Community Pre­cinct at nagsagawa ng pursuit ope­ration ang mga pulisya at nasakote si Santos lulan pa ng na­tu­rang taxi at na­rekober ang kalibre .38 gamit sa krimen habang nakatakas ang kasamahan nito.

 

BRGY

CARLO G

DON BOSCO

DON BOSCO POLICE COMMUNITY PRE

EDDIE PREAGOLA

GIL PUYAT AVENUE

MAKATI CITY

QUEZON CITY

SAVIO ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with