^

Police Metro

Nag-Russian roulette… Senglot dedo sa ika-anim na kalabit

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang hinamon ng isang lasing na lalaki si Kama­ta­yan matapos itong ma­sawi sa pang-anim na kalabit ng gatilyo ng kanyang baril sa ginawang pag-Russian roulette sa harap ng kan­yang mga kainuman ka­hapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Darwin Macaanling, 32, furniture maker, may-asawa at re­si­­dente sa Block 3, Lot 3, Tagumpay St., Brgy. Pag-asa sa lungsod, dulot ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng kaliwang tenga.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Cristituto Zaldarriaga, bago nangyari ang insiden­te dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa bahay ng isang Ruelfredo Fan, sa Tagumpay St., ay kainuman ng biktima ang tatlo nitong kaibigan nang maglabas ito ng kalibre 38 paltik na de bola.

Nagulat ang tatlong kainuman nang paglaruan ng biktima ang baril nang paikutin nito ang bola na lalagyan ng bala at itinutok sa kanyang bibig at kinalabit, pero masuwer­teng hindi pumutok.

Sinaway ng tatlong kainuman ang biktima na itigil na ang paglalaro ng baril, subalit tila bingi ang biktima at nagsabi pa ito na walang problema at patuloy na pinaikot ang bola ng baril.

Kinalabit ng biktima ang gatilyo ng apat na beses, at hindi ito muling pumutok at sa ikalimang beses nang muling kala­bitin ay pumutok na ito.

Nakita ng tatlong kasama ang dahan-dahang pagbagsak ng biktima mula sa kanyang kinau-upuan at may umaagos na dugo mula sa kanyang kaliwang tenga.

Humingi ng tulong sa barangay ang tatlong kasama na nagtakbo sa biktima sa East Avenue Medical Center na kung saan ay nasawi ito dakong alas-7:00 ng umaga.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

CRISTITUTO ZALDARRIAGA

DARWIN MACAANLING

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HUMINGI

QUEZON CITY

RUELFREDO FAN

SHY

TAGUMPAY ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with