‘Lover’ na trader, itinumba

MANILA, Philippines - Kapwa patay ang mag-live-in-partner na negosyante matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin  habang magkahawak kamay na naglalakad sa Brgy. Poblacion Ward IV, Minglanilla, Cebu kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Lellosa Flores, 42  at  live–in-partner na si Alexander Samson, 40.

Sa imbestigasyon ng Cebu Base Police, nabatid na ang insidente ay naganap bandang alas-8:00 ng gabi.

Ayon sa report, ang dalawang biktima ay kapwa negosyante ng saging at mahigit isang taon ng nagsasama matapos umanong makipaghiwalay ang ginang sa tunay niyang asawa.

Masayang umanong naglalakad ang dalawa pauwi sa kanilang tahanan galing sa kanilang puwesto sa palengke ng sundan at pagbabarilin  ng salarin.

Love triangle ang tinitingnan ng pulisya na motibo ng pamamaslang sa dalawa.

Show comments