^

Police Metro

387 police trainees masisibak dahil sa pandaraya sa 2011 entrance exam

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nahaharap sa pagkasibak bilang pulis  ang may 387 police trainees mula sa iba’t ibang training camps sa bansa dahil sa umano’y naganap na dayaan sa nakalipas na 2011 police entrance examination.

Ang 387 police trai­nees ay ilan lang sa libong aplikante na kumuha ng police entrance test noong Abril 17, 2011 sa iba’t ibang examination centers sa buong  bansa.

Nag-utos na ang National Police Commission  (Napolcom) ng imbestigasyon matapos na madiskubre na may naganap na kopyahan sa mga examinees.

Nag-isyu na ang Camp Crame at Napolcom ng isang resolusyon sa pagsi­bak sa lahat ng mga police trainees na sangkot sa da­yaan mula sa kanilang  training camps.

Ang mga police trainees ay  nasa floating status at inatasan na mag-report sa kanilang mga Regional Police Human and Management Division (RPHMD).

ABRIL

CAMP CRAME

NAHAHARAP

NAPOLCOM

NATIONAL POLICE COMMISSION

POLICE

REGIONAL POLICE HUMAN AND MANAGEMENT DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with