^

Police Metro

Nagtatapon ng kemikal na may lason… Us contractor pinasususpinde

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa pagta­tapon ng nakakalasong kemikal sa karagatan ng Pilipinas kaya pinasususpinde ng isang  kongresista ang US contractor.

Sinabi ni Bayan Muna Party list Rep. Teddy Casiño, dapat suspindihin agad ang operasyon ng nasabing contractor na nagtapon ng toxic waste sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) matapos isagawa ang joint military exercises.

Pangamba ng mambabatas, posibleng dati pa umano nagtatapon ng toxic waste sa karagatan ng Pilipinas at ngayon lamang ito nadiskub­re. Dahil dito kayat dapat umanong magkaroon ng komprehensibong imbes­tigasyon ang kongreso at ipatawag ang  mga sangkot sa insidente gayundin ang kliyente ng Glenn Defense Marine Asia  isang Malaysian contractor na nag oope­rate sa ilang bansa.

Base sa ulat, nito lamang Oct. 15 nagsagawa ng inspeksyon ang SBMA Ecology Center personnel sa Glenn Guardian, habang nakadaong sa Naval Supply Depot area dahil sa isang “hazard call” mula sa isa pang free port locator.

Sa kopya ng SBMA spot report, lumabas na may dala ang tanker na nasa 189,500 litro ng domestic waste at 760 litro ng bilge water (kombinasyon ng tubig, langis at grasa), na kinuha mula sa Emory Land, isang US Navy ship.

BAYAN MUNA PARTY

DAHIL

ECOLOGY CENTER

EMORY LAND

GLENN DEFENSE MARINE ASIA

GLENN GUARDIAN

NAVAL SUPPLY DEPOT

PILIPINAS

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

TEDDY CASI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with