MANILA, Philippines - Tinanggal sa roster ng Philippine National Police (PNP) ang 19 pulis na karamihan ay mga rookie na nahaharap sa iba’t ibang kaso.
Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Leonardo Espina ang mga nadismis na pulis na sina Chief Inspector Reynante Ibon ng Southern Police District; PO1 Roberto Cruz at PO3 Morris Malindog (namatay noong Agosto 24); ng Manila Police District; PO1 Vincent Paul Medina ng MPD; PO3 Ricardo Ailes at PO1 Herminigildo Gajeto ng Southern Police District; SPO1 Cirilio Zamora at PO1 Norlito Daguman sa kasong robbery at extortion; SPO1 Froilan Pontivedra (Eastern Police District); SPO1 Agustin Villanueva (QCPD) for grave misconduct;PO3 Reynaldo Angeles (QCPD) naiwala ang inisyung handheld radio;PO2 Rolando Manipolo (MPD) at PO1 Robert Ryan Noe (QCPD) sa kasong frustrated homicide at serious physical injuries; PO1 Bernandino Meneses (SPD) sa kasong murder; PO3 Gerardo Javier; PO1 Sieroma Prudente at PO1 Julius Enderio ng MPD; PO3 Pacholo Nang
(NPD); PO1 Abdulah Ontuwa (EPD) at PO1 Eric Raz Nicodemus (SPD) may kasong Absent Without Official Leave (AWOL). – Joy Cantos, Danilo Garcia –