^

Police Metro

Importers ng Korean noodles na may toxic iimbestigahan

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang paimbes­ti­gahan ng pamunuan ng Bureau of Customs ang mga importer na nagpasok sa bansa ng mga  produktong Korean noodles na umano ay may sangkap na toxic chemicals.

Ito ang naging hakba­ngin ni Customs Commissioner Ruffy Biazon   matapos ideklara ng Food and Drugs Administration  at ng FDA’s Korean counterpart na ang anim na produktong   Korean noodles  ay mayroong sangkap na kemikal na benzopyrene na nakakasama sa baga, apdo at nakaka-skin cancer.

Ang mga ito ay ang Spicy Neoguri, Mild Neo­guri, Neoguri Cup Noodles, Saewootang Cup Noodles at Seng Seng Udong na pina-recall na sa mga merkado.

Inatasan noong Martes ni Biazon si BoC Assessment Operation and Coordinating Group deputy commissioner Prudencio Reyes Jr., na magbigay sa kanya  ng mga listahan ng mga pangalan  ng mga importer  na nagpapasok sa Pilipinas ng mga Korean noodles products.

Mahigpit na rin nitong pinababantayan sa kanyang mga tauhan ang mga pantalan upang matigil na ang pagpasok ng naturang mga produkto.

ASSESSMENT OPERATION AND COORDINATING GROUP

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DRUGS ADMINISTRATION

MILD NEO

NEOGURI CUP NOODLES

PRUDENCIO REYES JR.

SAEWOOTANG CUP NOODLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with