Tinira sa likod… Bagets ginahasa ng bading

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng kasong rape ang isang 17-anyos na bading ng kanyang kaibigang 16-anyos na binatilyo na kanyang ginahasa kamakailan sa bahay nito sa Dagupan City.

Ayon kay SPO1 Julien­ne Aquino ng Women and Children Protection Desk ng Dagupan City Police, na pambihira ang kaso na sa unang pagkakataon na naitala sa kanilang himpilan.

Ang suspek na hindi binanggit ang tunay na pangalan dahil sa pagi­ging menor-de-edad ay itinago sa pangalang Sammy, residente ng  Brgy. Caraon ng lungsod.

Sa reklamong idinulog sa pulisya ng pamilya ng biktimang itinago sa pa­ngalang Mark, naganap ang insidente noong Nobyembre 4 ng hapon matapos na makipanood ng telebisyon sa kanilang bahay ang suspek na kaibigan at kapitbahay ng biktima.

Nabatid na tanging ang dalawang menor-de-edad lamang ang naiwang tao sa bahay kung saan bigla na lamang hinubaran ng suspek ang biktima.

Sa salaysay ng biktima sa mga otoridad, inihiga umano siya ng suspek sa banig saka ginahasa sa puwet at tumigil lamang matapos siyang maiyak sa sakit.

Huminto lamang umano ang suspek na higit na malakas sa biktima matapos nitong sabihin na magsusumbong ito sa  kaniyang mga magulang.

Noong una ay atubili pa ang biktima na magsumbong sa kaniyang mga magulang bunga ng takot at matinding kahihiyan hanggang sa dumulog sa pulisya kamakalawa at ipagharap ng reklamo ang suspek.

Ibinigay sa kustodya ng lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek.

Show comments