^

Police Metro

P1.3-M ransom kapalit SA paglaya ng mayor

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos umanong bayaran ang P1.3 milyon ransom sa mga kidnaper ay pinalaya na ang kinidnap na si Salug, Zamboanga del Norte Mayor Jeffrey Lim na halos 7 buwang  binihag.

Sa ulat ni Captain Alberto Caber, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID) bandang alas-3:00 ng madaling-araw nang ma­kauwi na sa kanilang ta­ha­nan sa Poblacion, Salug ang  biktima na sinundo ng emisaryo ni dating Mayor Hadjarun Jamiri ng Tuburan sa kuta ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa kagubatan ng Basilan.

Sinasabing nagbayad ng halagang ransom ang pamilya ng alkalde kapalit ng kalayaan nito pero hindi ito makumpirma ng mga opisyal ng militar.

Magugunita na noong Abril 2 ng taong ito ay kinidnap ng sampung mga armadong kalalakihan na nakasuot ng camouflage uniform ng special forces ng pulisya ang alkalde habang kumakain sa terminal ng bus sa kanilang bayan.

ABRIL

ABU SAYYAF GROUP

BASILAN

CAPTAIN ALBERTO CABER

INFANTRY DIVISION

MAGUGUNITA

MATAPOS

MAYOR HADJARUN JAMIRI

NORTE MAYOR JEFFREY LIM

SALUG

SINASABING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with