^

Police Metro

Nakunan ng video… 8 Kotong cops sibak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang hepe ng presinto at 7 nitong tauhan ang sinibak matapos makunan ng vi­deo habang kinokotongan ang isang lalaki sa loob ng kanilang presinto sa Pasay City.

Kinilala ni Southern Police District Director, Chief Supt. Benito Estipona ang mga sinibak na sina P/Insp. Angel Aguas, hepe ng PCP-2 at mga tauhang sina SPO1 Francisco Aganan, PO3 Dennis Cabrera, PO1s Jeru Hernandez, Romeo Dimaculangan, Sunny Mercado, Reagan Recasio at Ryan Guzman at sinampahan ng kasong illegal arrest, physical injury at threat matapos ireklamo ng biktimang si Apolinario Cababan, 33, driver at ng Bagontaas, Purok 7, Valencia, Bukidnon.

Nilinaw naman ni Estipona na tinanggal si Aguas sa puwesto dahil sa “command responsibility” kahit na isang linggo pa lamang itong nauupo sa posisyon. 

Sa reklamo ni Cababan, hinuli siya ng mga pulis noon pang Oktubre 10 sa may Estrella St., sa hindi malinaw na dahilan. 

Dinala siya at isa pang babae sa PCP 2 at kinuha sa kanya ang P7,000 cash, cellular phone, at relo at pinaiwan pa ang kanyang motorsiklo na pinatutubos sa kanya sa halagang P10,000.

Nagsumbong naman si Cababan sa mga magkakapatid na host ng isang investigative program sa TV5 network na sina Ben, Erwin, at Raffy Tulfo na siyang nagplano at nagsagawa ng operasyon.  

Dito nakipagtransaksyon si Cababan sa mga pulis kung saan nakunan ang pagtanggap ng pera ng mga ito. 

Minalas naman na na­bu­ko ang nakalitaw na “la­pel” ng mikropono na nakadugtong sa nakatagong “spy camera” sa katawan ni Cababan kaya ito inaresto at diretsong ikinulong ng mga pulis.

Nakipag-ugnayan naman ang magkakapatid na Tulfo sa SPD na naging da­hilan ng pagkakadiskubre ni Estipona sa umano’y pangongotong ng kanyang mga tauhan.

vuukle comment

ANGEL AGUAS

APOLINARIO CABABAN

BENITO ESTIPONA

CABABAN

CHIEF SUPT

DENNIS CABRERA

ESTIPONA

ESTRELLA ST.

FRANCISCO AGANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with