2 motor nagsalpukan: 2 tinedyer DEDO

MANILA. Philippines - Aksidenteng nagbang­gaan ang dalawang motor­siklo na ikinasawi ng dalawang tinedyer na lalaki habang tatlo pa ang nasugatan naganap kamakalawa sa kahabaan ng highway ng Brgy. Nylon, Bogo City, Cebu.

Namatay noon din sina Ernesto Alburo, 15-anyos, driver ng motorsiklo at angkas nitong si Ralph Vincent Gilig, 16-anyos.

Nasugatan naman ang driver ng nakabanggaang motorsiklo ni Alburo na kinilalang sina Darwin Duhaylungsod at mga ka­angkas nitong sina Joey Baulunan at isang tinukoy lamang sa pangalang Ariel.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-12:00 ng madaling-araw ay kapwa walang mga lisensiya na nagmamaneho sina Alburo at Duhaylungsod na umano ay matulin na tinatahak ang kahabaan ng highway ng nasabing barangay nang aksidenteng magbangaan ang mga ito.

Show comments