2 tinedyer nalunod sa ilog

MANILA, Philippines - Dalawang tinedyer ang nasawi nang malunod matapos na tumaob ang sinasakyan nilang bangka nang hampasin ng malakas na agos sa ilog kamakalawa sa bayan ng General Nakar, Quezon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Anilou Espera, 15 at Reynel Andrada, 16; pawang residente ng nasabing lalawigan.

Batay sa ulat, bandang alas-11:00 ng umaga ay magkasamang nakasakay sa bangka ang dalawang tinedyer at tumatawid sa ilog na nasasakop ng Brgy.Batangan nang biglang lumakas ang agos na naging dahilan para tumaob ang bangka.

Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang kapitan ng bangka na kinilalang si Romulo Bonbo.

Nabatid na ang mga biktima ay kapwa hindi marunong lumangoy na tinangay ng malakas na agos na kanilang ikinamatay.

Show comments