Malubak na daan
Simula noong 2014 sa Seville, Spain, regular participant ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup – kasama sa sahog sa China joust noong 2019 at syempre sa Manila bilang host country noong 2023.
Nakaamba na ang 2027 edition sa Qatar, at kasado na rin ang regional qualifier na dadaanan ng Gilas.
Ang siste, mukhang minalas ang Team Philippines sa katatapos na drawing of lots, sila eh naisama sa heavyweights Australia at New Zealand sa Group A.
Guam ang nag-iisang madaling assignment para sa Gilas sa unang phase ng WC Qualifier.
Tatlo naman ang uusad sa second round, so malamang na makalagpas ang Gilas sa first round.
Pero mas maganda sana kung sa ibang grupo napasama ang koponan ni coach Tim Cone, kung saan may tsansang maka-sweep o maging second placer man lamang. Kasi naman carryover ang first-round win-loss record sa susunod na round.
Kung hindi matatapilok, aabante ang Gilas sa second round kung saan Iran, Jordan at Syria ang malamang na makaharap.
Sixteen teams ang magsasagupa sa WC Qualifier kung saan Top Seven ang makakarating sa World Cup.
Malubak ang daan, pero hopeful si Coach Tim mararating nila ang bakbakan sa Qatar.
- Latest