SBP nakipagtulungan sa SGA para sa 3x3

MANILA, Philippines — Nakipagkasundo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Strong Group Athletics (SGA) para sa pagtataguyod ng Gilas Pilipinas Women’s 3x3 at Gilas Pilipinas Women’s U23 3x3.

Naipormalisa na ang pagsasanib-puwersa ng SBP at SGA para palakasin ang programa sa Women’s 3x3 na sasalang sa iba’t ibang local at international competitions sa taong ito.

Masaya si SBP E­xe­cutive Director Erika Dy na ibinalita ang pagsasanib-puwersa na inaasahang magi­ging kapaki­pakinabang para mas lalo pang mapaunlad ang 3x3 sa bansa.

“We’re happy for the support of Strong Group Athletics. They’ve been an ally in promoting and supporting women’s sports and we’re looking forward to providing our Filipina ballers the training and competition they need to reach their full potential,” ani Dy.

Matagumpay ang Gilas Pilipinas Women’s 3x3 matapos makasiguro ng dalawang podium finishes.

Ang tropa nina Mikka Cacho, Camille Clarin, Jhazmin Joson at Hazelle Yam ay nakapagbulsa ng tanso sa Manila Hustle 3x3 Season 3 sa Manila.

Wagi rin ang tropa ng tanso sa Jumpshot 3x3 Season 2 competition sa Singapore.

Naniniwala ang SBP na malaki ang papel ng SGA sa pagpapalakas ng basketball sa bansa dahil na rin sa mga proyekto nito sa mga nakalipas na taon.

Show comments