Bad Break

Minsan pa, sapol na naman ng masamang bad break ang Philippine national team – torn ACL na sinapit ni Kai Sotto.

Dahil dito, key player ang kabawasan sa Gilas Pilipinas sa parating na February window ng FIBA Asia Cup qualifier at malamang na doon din sa continental cup proper na nakatakda sa August sa Jeddah, Saudi Arabia.

Araguy!

Madaming beses nang nangyari ito sa national team.

Matatandaan ang kaparehong injury na sinapit ni Danny Seigle sa peak ng kanyang paglalaro. At siya sana noon ang top gun ng Philippine team sa 2002 Busan Asian Games.

Noong 2009, blood disorder naman ang naging dahilan para hindi makalaro sa Kelly Williams sa Tianjin FIBA Asia Cup.

Injury rin ang naging dahilan kaya naglahong parang bula ang tsansa ni Bong Hawkins na mapasama sa Centennial Team sa 1998 Asiad.

Pero kasama ang injuries sa basketball at sa iba pang larangan ng sports. Ang ibang national teams eh nahaharap din sa kaparehong problema.

Lamang ang malalim ang bench.

Sa sitwasyon ni coach Tim Cone, nariyan pa sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar at AJ Edu para tumao sa gitna.

Mas malaki nga lamang sana ang potensyal ng Gilas kung buo ang partnership nina June Mar at Kai.

Show comments