SAN FRANCISCO — Kumolekta si Bam Adebayo ng 19 points, 9 rebounds at 5 assists para banderahan ang Miami Heat sa 114-98 paggupo sa Golden State Warriors.
Tinapos ng Heat (18-17) ang kanilang three-game losing skid.
Nag-ambag si Nikola Jovic ng 20 points at may 18 markers si Jaime Jaquez Jr.
Umiskor si Stephen Curry ng 31 points habang may 19 markers si Trayce Jackson-Davis para sa Warriors (18-18) na nakahugot kay Draymond Green ng 7 points, 10 rebounds at 10 assists.
Nagmula ang Golden State sa isang 30-point lost sa Sacramento Kings noong Linggo.
Sa New Orleans, bumira si Anthony Edwards ng 32 points tampok ang pitong 3-pointers sa 104-97 pagdaig ng Minnesota Timberwolves (19-17) sa Pelicans (7--30).
Sa Salt Lake City, isinalpak ni Trae Young ang isang buzzer-beating 3-pointer mula sa halfcourt line sa 124-121 pagtakas ng Atlanta Hawks (19-18) sa Utah Jazz (9-26).
Sa Dallas, naglista si Quinten Grimes ng 26 points, 9 rebounds at 6 assists para wakasan ng Mavericks (21-16) ang five-game losing skid sa 118-97 panalo sa Los Angeles Lakers (20-16).