PCSA kumpiyansang makakadiskubre ng bagong talento

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Philippine Combat Sports Association (PCSA) na makakadiskubre sila ng mga bagong talento sa pagdaraos ng 2025 Combat Sports Championship sa Pebrero sa Pasig City.

Sa nasabing martial arts event inaasahang magpapakitang-gilas ang mga Pinoy athletes sa jiu-jitsu, wushu, kurash, judo, muay thai at taekwondo.

“Join us this February 2025 at ULTRA in Pasig City as we embark on a new era in combat sports, dedicated to producing future champions,” ani PCSA  president at Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party list First Nominee Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia.

“Sama-sama, bigyan natin ng inspirasyon at bigyang kapangyarihan ang susunod na henerasyon ng mga atleta,” dagdag nito.

Samantala, ipinagma­laki ng PCSA ang pagkopo ni Zeus Babanto sa silver medal sa men’s U21 +77kg ng nakaraang World Youth Jiu-Jitsu Championship na ginanap sa Greece.

Nakasama ni Goitia sa selebrasyon sina judo national team coach Capt. Benjie McMurray (Ret), jiu-jitsu national coach Stephen Kamphuis ng KMA Gym, coach Estie Gay D. Liwanen ng Kurash Philippines at Jiu-Jitsu Federation of the Philippines at judo coach AFP Gen.  Joel Joseph  Cabides (Ret), pangulo ng Veterans Judo Club at dating Commanding General ng AFP Reservist Command.

Pinasalamatan din ng PCSA sina judo at wrestling practitioner Vic Pinlac at dating PAJA Secretary General Gil Montilla.

Show comments