Pirates sa final four

MANILA, Philippines — Tuluyan nang ki­num­pleto ng Lyceum of the Phi­lippines University ang Final Four matapos lu­sutan ang College of St. Be­nilde, 82-81, sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Nagsalpak si Ato Bar­­ba ng game-high 27 points para sa 10-8 baraha ng Pirates patungo sa ka­nilang ikalawang sunod na semifinals stint.

“I’m very proud and happy for my players for gi­­ving their best,” wika ni coach Gilbert Malaba­nan sa kanyang tropa na inangkin ang No. 4 spot.

Maaari namang mahu­log ang Blazers (14-4) sa No. 2 kung mananaig ang Ma­pua Cardinals (14-3) sa si­bak nang Arellano Chiefs (7-10) ngayong alas-11 ng umaga sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kung magtata­pos na may parehong 14-4 record ang St. Benilde at Ma­pua ay makakamit ng Taft-based team ang No. 1 berth dahil sa higher quotient at lalabanan ang Lyceum sa Final Four.

Kinuha ng Pirates ang 16-point lead, 39-23, bago nakadikit ang Bla­zers sa 81-82.

Ngunit mintis ang bonus free throw ni St. Benilde center Allen Liwag.

Samantala, tinalo ng Emi­lio Aguinaldo College ang Jose Rizal, 73-66.

Show comments