Aguilar palalakasin ang jiu-jitsu

MANILA, Philippines — Layunin ng DEFTAC na mas lalo pang palawa­kin ang programa nito pa­ra makatuklas pa ng mga batang atleta na posibleng maging jiu-jitsu world champions.

Malaki ang tiwala ni DEFTAC founder Alvin Aguilar na maraming ta­lento ang Pilipinas na kai­la­ngan lamang mabigyan ng sapat na training para maging world champions.

Sa katatapos na 2024 World Festival Jiu-Jitsu Championship, ilang mga bagitong jiu-jitsu fighters ang nagpasiklab kabilang na sina Princess Akeisha Reu­ma, Ma. Althea Lo­uise Brion, Aielle Aguilar, Mar­cus Sebastian Dela Cruz at Yani Alexii Lopez na sumungkit ng gintong medalya sa kani-kanilang kategorya.

May pilak si Ella Ro­sa­rio Daza Olaso sa teen yellow 48 kgs class.

“It has been 26 years since the first time we com­peted abroad, and we are happy that through those years we have been able to produce countless world champions. Now, we have five,” ani Aguilar na siya ring pangulo ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) at Uni­versal Reality Combat Championship (URCC).

Sa taong ito ay may 21 world champions ang na-produce ng DEFTAC.

Show comments