UE patitibayin ang kapit sa No. 3 spot

MANILA, Philippines — Ibabangga ng University of the East si Wello Lingolingo kontra Adamson University ngayong araw sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena.

Ito’y para palakasin ang kapit sa No. 3 spot sa team standings at duplikahin ang panalo kontra National University, 74-58 noong Oktubre 26.

Tangan ang 6-3 karta, makasisiguro ang UE ng playoffs para sa Final Four kapag tinalo nila ang A­damson sa kanilang laro sa alas-2 ng hapon.

Pasok na ang defen­ding champion De La Salle University at University of the Philippines sa final four, hawak nila ang 10-1 at 8-1- records at naka puwesto sila sa No. 1 at 2, ayon sa pagka­kasunod habang nasa pang-apat ang University of Sto. Tomas na bitbit ang 5-6 card.

Tumikada si Lingoli­ngo ng 14 points sa panalo nila sa Bulldogs noong Linggo.

Nasa ilalim naman ang Bulldogs tangan ang 2-8 card at kahit makalsuhan nila ang three-game lo­sing skid ay wala na silang pag-asang makausad sa magic four.

Samantala, magkakaldagan naman sa alas-6:30 ng gabi ang Ateneo de Manila University at last year’s runner-up Fighting Maroons.

Tatangkain ng UP na sikwatin ang pangatlong sunod na panalo para makahabol ng bahagya sa La Salle na nasa tuktok ng liderato.

Show comments