Lady Spikers, Lady Warriors agawan sa bonus

MANILA, Philippines — Ipaparada ng University of the East si Casiey Dongallo upang masikwat ang panalo kontra De La Salle University sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum ngayong araw.

Magsisimula ang bakbakan ng Lady Warriors at Lady Spikers sa alas-2 ng hapon kung saan pareho nilang asam ang quarterfinals twice-to-beat advantage pagkatapos ng second round.

Galing sa panalo ang UE, winalis nila ang reig­ning NCAA champion College of Saint Benilde, 25-19, 25-18, 25-23, kaya naman nakabawi sila mula sa five-set loss laban sa Growling Tigresses.

Maliban kay star player Dongallo, huhugot din ng puwersa ang Lady Warriors kina Jelai Gajero at KC Cepada sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea and Summit Water.

Magkakaldagan sa alas-11 ng umaga ang University of Santo Tomas at Far Eastern University habang maghaharap ang Ateneo de Manila University at University of the Philippines sa alas-5 ng hapon.

 

Show comments