^

PM Sports

Chavit tutulong sa Philippine sports

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nangako si businessman at sports patron Luis “Cha­vit” Singson susupotahan nito ang mga Pinoy athletes na tunay na nag-aangat ng bandila ng Pilipinas sa international scene.

Maliban sa pagiging governor, congressman at mayor sa Ilocos Sur, naging chairman emeritus din si Singson ng Philippine National Shooting Association (PNSA).

Kaya naman pamilyar na ito sa takbo ng sports.

Tutulong si Singson upang mas lalo pang mapa­angat ang sports sa Pilipinas.

Partikular na tututukan ni Singson ang mga Pinoy athletes na nangangailangan ng sapat na suporta para mas lalo pang umangat ang kalidad ng kanilang pag­lalaro sa international competitions.

Isa sa mga halimbawa ni Singson ay sina gymnast Carlos Yulo at weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo na tunay na umangat sa international arena.

“World class,” ani Singson na kasama ang anak ni­tong si Ako Ilokano Ako Partylist Representative Ri­chelle Singson sa isang simpleng press conference sa Solaire Resort and Casino sa Paranaque.

Pinuri ni Singson si Diaz-Naranjo na siyang nagbi­gay ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games noong 2021 sa Tokyo, Japan.

Saludo rin si Singson kay Yulo na nakasungkit ng dalawang gold sa 2024 Paris Olympics.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with