At naganap na.
Nangyari na parehong nakarating sa finals ang TNT at Barangay Ginebra at mauulit ang kanilang 2023 PBA Governors Cup title showdown.
Explosive rematch sa pagitan ng dalawang champion imports na sina Justin Brownlee at Rondae Hollis-Jefferson, pero may pagbabago sa kanilang support cast.
Key addition si Rey Nambatac para sa TNT kapalit ang nawalang si Mikey Williams.
Para sa Ginebra, bagong mukha sina RJ Abarrientos, Stephen Holt, Maverick Ahanmisi, Ralph Cu, Ben Adamos at nariyan din ang nagbabalik na si Joe Devance.
Kahalili sila para kina Christian Standhardinger, Stanley Pringle, Jonathan Gray at Jamie Malonzo.
Dahil mula sa magkaibang grupo sa elims, first time pa lang maghaharap sa tournament ang Tropang Giga at Gin Kings sa pagsisimula ng kanilang race-to-four series sa Sunday.
Mas matulin nakarating sa finals ang TNT matapos ang 4-1 dispatching ng Rain or Shine sa semifinals.
Pero dahil sa Sunday pa ang Game 1, parehong nakakuha ng magandang pahinga at nakakagawa ng magandang preparasyon ang dalawang koponan.
Bakbakan ito!
Datos: Panalo sa stats race, pero hindi nakarating sa finals.
Ito ang isyu para kay June Mar Fajardo, at ang katanungan eh, kung siya pa rin ang makabingwit ng Best Player of the Conference honors. Panlaban ng Ginebra si Japeth Aguilar, samantalang Numero Uno para sa TNT si Calvin Oftana.