INGLEWOOD, Calif. — Hindi makakalaro si Los Angeles Clippers star Kawhi Leonard sa darating na NBA season.
Ito ay dahil sa pagpapagaling sa kanyang namamagang kanang tuhod, ayon kay coach Ty Lue.
“There is no timeline,” sabi ni Lue sa esatado ni Leonard. “Like we said from day one, it is going take some time.”
Unang makakatapat ng Clippers ang Sacrameto Kings sa kanilang season-opening game.
Hindi rin nakita sa aksyon ang 33-anyos na si Leonard sa lahat ng mga preseason games ng Clippers dahil sa kanyang right knee injury.
Sa pagkawala ni Leonard ay si James Harden ang sasandalan ng Clippers para sa darating na season na magsisimula sa Oktubre 22.
Umalis na sa tropa sina Paul George at Russell Westbrook na lumipat sa Philadelphia 76ers at sa Denver Nuggets, ayon sa pagkakasunod.