MANILA, Philippines — Pinalo ng Arellano University ang ikalawang panalo matapos gilitan ang San Beda University, 25-19, 22-25, 20-25, 25-10, 15-6, sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.
Kinapitan ng Lady Chiefs si middle blocker Fhaye Mangubat para manatili sa liderato sa Pool A.
Tumikada si Mangubat ng 20 points mula sa 15 attacks, tatlong blocks at dalawang aces.
Nagkaroon naman si Laika Tudlasan ng left ankle injury matapos ang masamang bagsak sa third set kung saan ay naghahabol sila ng tatlong puntos, 14-17.
Nalasap ng Lady Red Spikers ang ikalawang sunod na kabiguan.
Sa unang laro, dinaig ng University of the East ang University of Perpetual Help System Dalta, 25-17, 25-20, 25-15, para sa pangalawang dikit na arangkada.