^

PM Sports

Birchton inangkin ang 1st Leg ng 3YO Imported/Local Challenge race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pinaporma ng Birchton ang mga nakatagisan ng bilis kaya magaan nitong nasikwat ang titulo sa 2024 PHILRACOM “1st Leg 3-Year-Old Imported/Local Challenge” race na nilarga sa Metro, Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Humarurot sa largahan ang Perfect Shot pero kinapitan agad ito ng Birchton at Heart Ofa Champion sa kaagahan ng karera.

Pero agad na kumuha ng unahan ang Birchton sa backstretch at saka umungos ng hanggang anim na kabayo sa pumapangalawang kabayo na Perfect Shot sa kalagitnaan ng karera.

Pagdating ng far turn ay patuloy ang mabilis na pag-usad ng Birchton sa unahan at umabot pa ito sa 10 kabayo ang lamang papasok ng huling kurbada.

Mas lalong ganado sa pagtakbo ang Birchton, hindi mapigilan kaya pagdating ng rektahan ay beripikado na ang kanyang panalo dahil umabante pa ang bentahe nito sa 15 lengths.

Sinakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, nire­histro ng Birchton ang tiyempong 1:40.8 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Felizardo Sevilla Jr. ang P600,000 premyo.

Naibulsa naman ng second placer na Perfect Shot ang P225,000 habang P125,000 at P50,000 ang third at fourth na Heart Ofa Champion at Part Time Lover, ayon sa pagkakasunod.

Nakatanggap din ng premyo ang breeder ng nanalong kabayo ng P50,000.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with