^

PM Sports

Yulo idolo ng bayan

Chris Co - Pang-masa
Yulo idolo ng bayan
Olympic medalist Carlos Yulo speaks in Malacanan Palace on August 13, 2024.
Presidential Communications Office / Facebook

MANILA, Philippines — World-class, world champion, Olympic champion.

Ilan lamang ito sa mga naglalarawan kay Carlos Yulo.

Kaya naman magandang ehemplo ito para sa mga kabataang nagnanais sundan ang kanyang yapak matapos makasungkit ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics.

Maraming pinagdaanan si Yulo bago maabot ang tugatog ng tagumpay.

Nagbuhos ito ng dugo’t pawis para makamit ang inaasam na pangarap — ang gintong medalya para sa Pilipinas sa Olympic Games.

Kaya naman kung tatanungin ito kung ano ang kanyang mensahe sa noon ay batang si Carlos Yulo, isa lamang ang naisagot nito: “we did it.”

Noong bata pa ito, alam ni Yulo na hindi biro ang tatahakin nitong daan tungo sa minimithing pangarap.

Ngunit hindi ito naging hadlang para kay Yulo.

Sa halip, naging motibasyon ito ni Yulo upang mas maging matatag ito sa bawat pagsubok na dumaan sa kanyang buhay.

Pangunahing sinandalan nito ang Panginoon na siyang naging gabay nito sa kanyang naging journey.

“Sobrang thankful talaga ako kay God dahil hindi niya ako pinabayaan sa bawat laban ko. Parati siyang nandiyan para sa akin, healthy ako, walang injury,” ani Yulo.

Nagpasalamat din ito sa mga taong nakapali­gid sa kanya na tunay na sumu­suporta sa kanyang bawat laban.

Parikular na rito ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na pinamumunuan ni Cythia Carrion.

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay, wala pang balak tumigil si Yulo.

Pakay nitong makasungkit pa ng gintong medalya sa 2028 LA Olympics kung saan dedepensahan nito ang kanyang korona sa men’s floor exercise at men’s vault.

Maliban sa dalawang events, nais din ni Yulo na makakuha ng medalya sa parallel bars at all-around events.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with