^

PM Sports

Bangis ng Beautiful Liana nakita sa pista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasilayan ng mga karerista ang bangis sa karerahan ng Beautiful Liana matapos angkinin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Sinabayan ng Beautiful Liana ang naghuramentado sa bilis sa largahan na Sta. Maria at Viva D’ Oro paramagkapanabayan sa unahan sa kaagahan ng karera.

Mga ilang metro ng karera ay nakihalo na rin sa bak­bakan ang Just Me sa Sta. Maria, Beautiful Lady at Viva D’ Oro papalapit sa kalagitnaan ng karera.

Subalit sa far turn ang Sta. Maria, Beautiful Lady at Viva D’ Oro na lang ulit ang nagtatagisan ng bilis at lalong naging mainit ang labanan dahil magkapanabayan pa rin ang mga ito pagsapit ng huling kurbada.

Umagaw ng unahan ang Beautiful Liana sa rekta­han kaya naman sa huling 100 metro ng labanan ay nakaungos na ito ng dalawang kabayo.

Nanaig ang Beautiful Liana ng may tatlong kabayo ang agwat sa pumangalawang Viva D’ Oro, tersero ang Sta. Maria habang pumang-apat ang Ever Land.

Ginabayan ni jockey Jonathan D. Flores, nirehistro ng Beautiful Liana ang tiyempong 1:28.2 minuto sa 1,400 meter race.

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with