^

PM Sports

Debut nina C-Stan, Pringle diniskaril ng Converge

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Debut nina C-Stan, Pringle diniskaril ng Converge
Pumuwersa si Converge center Justin Arana laban kina Stanley Pringle at Christian Standhardinger ng Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Diniskaril ng Converge ang debut nina Christian Standhardinger at Stanley Pringle sa Terrafirma, 127-95, para sa maugong na pa­nimula ng kampanya nila sa 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Kumawala ang FiberXers sa third quarter kung saan nila kinaldag ang Terrafirma, 47-18, para sa 1-0 kartada na magandang regalo kay Franco Atienza bilang interim head coach kapalit ni Aldin Ayo.

Dating assistant ni Ayo si Atienza bago ang paghihiwalay nila ng landas na nagbigay-daan sa pag-akyat sa head coaching position sa ngayon sa tulong nina Rajko Toroman at Charles Tiu bilang consultant at assistant coach, ayon sa pagkakasunod.

At hindi sila binigo ng FiberXers nang umalalay kay Hopson sina Alec Stockton, Schonny Winston at Justin Arana na may 21, 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Bahagya lang ang bentahe ng Converge sa halftime, 53-49, bago mag-init si Hopson upang trangkuhan sila sa mabilisang 100-67 abante papasok sa fourth quarter tungo sa kumbisidong 32-point win.

Nagawa ito ng FiberXers kahit wala pa ang No. 1 overall rookie pick na si Justine Baltazar na inaasahang tapusin muna ang kampanya para sa Pampanga Giant Lanterns sa MPBL bago umakyat sa PBA.

Kumayod ng 19 puntos si Pringle, may tig-18 sina import Antonio Hester at Kevin Ferrer habang may 17 si Standhardinger para sa mga bataan ni coach Johnedel Cardel.

Nakuha ng Terrafrima sina Pringle at Standhardinger mula sa Ginebra sa trade bago ang draft kapalit sina Stephen Holt at Isaac Go sahog pa ang pick swap sa No. 3 at No. 10 na naging dahilan upang makuha ng Gin Kings si RJ Abarrientos sa 3rd pick.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with