MANILA, Philippines — Puntirya ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion makuha si Fil-British Jake Jarman upang mahing bahagi ng men’s national gymnastics team para sa 2028 LA Olympics.
Plano ni Carrion na bumuo ng solidong men’s team sa LA Olympics para makasama ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel Yulo.
Bukod sa men’s team, target din ni Carrion na magkaroon ng bigating women’s team sa LA Olympics.
“I’m gonna have a team this time. I’m setting up a team — men’s team and women’s team. I need support of the Philippine Sports Commission,” ani Carrion.
Maliban kina Yulo at Jarman, tinatarget din na mapasama sa LA Olympics si Karl Eldrew Yulo — ang nakababatang kapatid ni Caloy — at isa pang miyembro ng men’s national team.
“Not possibility of having Karl Eldrew but for sure. The lineup will be Carlos, Eldrew, Jake Jarman and one from here in Manila,” wika ni Carrion.
Ngunit hindi magiging madali ang pagkuha kay Jarman dahil daraan ito sa matinding proseso.
“We’re preparing a letter. I have to talk first to the mother if she agrees and Jake himself if he agrees,” dagdag ng GAP president sa Cebuana mother ni Jarman.
Inangkin ni Jarman ang tanso sa men’s floor exercise na pinagharian ni Yulo sa Paris Olympics.