Athletes’ dormitory project ni Pia

MANILA, Philippines — Sabik na si Senator Pia Cayetano kaugnay sa itatayong athletes’ dormitory sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila na lalo pang na­ging mahalaga matapos ang pinakamahusay na Olympic performance ng mga atleta sa katatapos lamang na 2024 Paris Olympics.

Bahagi ng P100-million initiative sa ila­lim ng Philippine Sports Commission (PSC), ang proyekto ay isinulong ni Cayetano, ang Senior Vice Chairperson ng Senate Committee on Finance, sa likod ng suporta ni da­ting Chairperson Senator Sonny Angara na ngayon ay Education Secretary.

Tinukoy ni Cayetano ang pag-unlad ng Philippine sports matapos ang kinuhang dalawang gold medals ni gymnast Carlos Yulo at tig-isang bronze nina boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas sa Paris Olympics.

Ang Pilipinas ang hinirang na best-performing country sa Southeast Asia.

Show comments