Obiena balik-aksyon na
MANILA, Philippines — Pagtutunan ng pansin ni pole vaulter EJ Obiena ang mga natitirang torneong lalabanan nito ngayong taon matapos ang bigong kampanya sa Paris Olympics.
Sa kabila ng masaklap na resulta sa Paris, mataas pa rin ang moral ni Obiena at sinabing hindi matitibag ang kanyang determinasyon dahil ng isang bigong laban.
Sa halip, magiging motibasyon ito upang bumangon at harapin ang mga susunod na laban nito.
“The measure of a man or woman is NOT a singular event—like the Olympics—but a cumulative or collective measure over time,” ani Obiena.
Nagkasya lamang si Obiena sa ikaapat na puwesto sa Paris Olympics.
Bago pa man tumulak papuntang France, isa na si Obiena sa mga paboritong makapagbulsa ng medalya sa kanyang event.
Subalit bigo ito sa kanyang laban matapos ang fourth-place finish sa Paris Games.
“I finished 4th in Paris, close but not good enough. I am not measured by this. I am measured by my career,” ani Obiena.
Handa si Obiena na bumalik ng malakas upang muling bigyan ng karangalan ang bansa.
“I commit to everyone now, I am back in training, I am back in the game, and I am going to attack the rest of the season and make you proud,” ani Obiena.
Ipinangako ni Obiena na muli nitong iwawagayway ang bandila ng Pilipinas sa mga international competitions.
“You are going to see more from me, and see the Philippine Flag raised and raised on a global stage. Let’s get on with it!” dagdag nito.
- Latest