^

PM Sports

District One kakasa sa PCSO 2YO Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasama ang District One sa pitong naghayag ng pagsali sa 2024 PHILRACOM - PCSO “2-Year-Old Maiden Stakes Race” sa Agosto 25 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Paglalabanan ang nakalaan na P1.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid ng meta, inaasahang mapapahirapan ang District One ng anim na tigasing kabayo na naghahangad din ng korona.

Ang nasabing prem­yo ay mula sa PHILRA­COM (P500,000) at Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (P1M).

May distansyang 1,200 meter race, ang ibang sasali ay ang Binibining Marikit, Black Widow, Constatic Offer, Easy Go Lucky at Easy Money.

Ayon sa ibang komento ng mga karerista, posibleng makakuha ng malaking suporta ang magka-kuwadrang Easy Go Lucky at Easy Money.

Gagabayan ni reigning Philippine Sportswriters Association (PSA), Jockey of the Year awardee John Alvin Guce ang District One, puntirya nila na masungkit ang P900,000.

Ibubulsa ng second placer ang P337,500 habang P187,500 at P75,000 ang third at fourth, ayon sa pagkakasunod sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Makakatanggap naman ang breeder ng na­nalong kabayo ng P75,000 habang P45,000 at P30,000 ang second at third.

Samantala, puspusan na ang paghahanda ng trainers at hinete upang makopo ang inaasam na panalo.

 

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with